MAGDEDEPLOY ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 730 personnel para sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.
Ito ay upang tumulong sa traffic management at clearing operations mula Enero 6-9.
Ayon sa MMDA, ang idedeploy na tauhan ng ahensiya ay mula sa Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG) na nakatalaga sa crowd control, Western Traffic Enforcement (WTED) na tutulong sa pagmamando ng trapiko, Metro Parkways Clearing Group (MPCG) na magdedeploy ng street sweepers upang mapanatili ang kalinisan sa lugar.
Maglalagay rin ang MMDA ng 25 portalets, habang ang Task Force Special Operations (TFSO) ay inatasan na linisin ang kalsada mula sa mga sagabal sa kalsada.
Naatasan naman ang Road Emergency Group (RSG) para sa emergency cases, at ang metro base ay inatasan upang subaybayan ang activity situation sa pamamagitan ng CCTV cameras sa command center.