Account na sangkot sa assassination plot ni BBM, ban na sa TikTok

Account na sangkot sa assassination plot ni BBM, ban na sa TikTok

PERMANENTE ng ban sa TikTok ang account na nasasangkot sa napabalitang assassination plot laban kay Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa pamunuan ng TikTok, walang lugar sa kanilang platform ang nagsusulong ng karahasan.

Tiniyak din ng TikTok na nagtutulungan ang kanilang pamunuan upang masawata ang nagkakalat ng ganitong banta ng seguridad sa isang tao.

Mababatid na nakatanggap ang Department of Justice (DOJ)j ng tip na may nagpa-planong pumatay kay Bongbong.

Sinabi din ng DOJ na lahat ng ganitong pagbabanta ay kanilang siniseryoso.

Sa ngayon, tunututukan na ng mga security agencies sa bansa ang nasabing assassination plot laban kay BBM.

SMNI NEWS