Assassination plot kay BBM, seryosong iimbestigahan

KINOKONSIDERANG krimen ang pagbabanta sa seguridad ng isang tao kahit sa social media.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Atty. Charito Zamora ng Department of Justice (DOJ)- Office of Cybercrime na ito ay batay sa Cybercrime Law ng Pilipinas.

Kaugnay ang naturang komento ng DOJ Cybercrime sa ulat ng kanilang opisina na may nagpaplanong patayin si Presidential Aspirant Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. (BBM).

Ayon kay Zamora, kahit mukhang biro lang o kaya’y hindi naman itutuloy ng nagsabi ang kanyang naging banta sa social media, seryoso pa rin ang dating nito sa kanilang opisina.

Mas mataas rin aniya ang parusa para sa mga nagbabanta online ayon sa Cybercrime Law ng bansa.

 

 Umano’y assassination plot laban kay BBM, kinukumpirma pa ng PNP 

Samantala, kinukumpirma pa ng Philippine Natioanal Police (PNP) ang umano’y assassination plot laban kay Presidential Aspirant Ferdinand Bongbong Marcos Jr. (BBM).

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, nakipag-ugnayan na ang kampo ni Marcos sa PNP ukol sa umano’y planong pagpatay sa dating senador.

Tiniyak naman ng PNP chief na titingnan ang ulat para masiguro ang kaligtasan ng lahat at ang mapayapang eleksyon.

Sinabi ni Carlos na ipapadala ang makukuhang mga impormasyon sa isang task unit na kalaunan ay gagawa ng kinakailanganag hakbang sa ulat.

Nitong weekend, kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakatanaggap ang Office of Cybercrime ng online tip ukol sa umano’y kill plot kay Marcos.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter