NAKALATAG na ang mga proyektong ilulunsad sa ilalim ng Active Transport and Public Transport Infrastructure Improvement sa lungsod ng Quezon na pangungunahan ng Department of Transportation (DOTr) at QC LGU.
Iprinisinta ng DOTr ang mga karagdagang imprastraktura na itatayo sa Quezon City para matugunan ang pangangailangan ng mga siklista at iba pang road users sa lungsod.
Sa ilalim ng Active Transport and Public Transport Infrastructure Improvement, maglalagay ng karagdagang bike lanes at isasaayos ang mga public utility bus at public utility jeepney stops sa Elliptical Road at Commonwealth Avenue.
Ito ay para masiguro ang kaligtasan at maayos na lagay ng trapiko na kabilang sa implementasyon ng programa.
Pinasalamatan naman ng QC Government ang DOTr bilang city beneficiary ng mga inilatag na proyekto.
Magiging katuwang sa pagsasakatuparan ng proyekto ang MMDA.