AFP, handang tumulong sa mga prayoridad ni PBBM sa national security

AFP, handang tumulong sa mga prayoridad ni PBBM sa national security

NAKAHANDA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumulong sa usapin na may kaugnayan sa pambansang seguridad na tinalakay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Ito ang tiniyak ni AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar kabilang ang National Defense Act, Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa senior high school students, unified pension system para sa uniformed personnel na may kapansanan.

Maging ang Medical Reserve Corps, kung ang tungkulin ng pag-oorganisa at pagsasanay ay ibigay sa AFP.

Ayon kay Aguilar, ang mga ito ay nangangailangan ng mga batas at handa ang AFP na magbigay ng kanilang inputs.

Bukod sa militar, maaari aniyang gamitin ng Pangulo ang iba pang elemento ng pambansang kapangyarihan sa pagsusulong ng pambansang interes.

Follow SMNI NEWS in Twitter