MATAPOS ang pagkamatay ng mataas na pinuno ng New People’s Army (NPA) na si Maria Malaya, muling nanawagan ang militar sa mga natitirang rebelde na sumuko at iwanan ang landas ng insurhensiya.
Ayon kay Brig. Gen. Michele Anayron Jr., kumander ng 4th Infantry Division, ang kapayapaan ang tanging paraan para makamit ang tunay na pag-unlad.
Aniya, mas marapat nang sumuko at bumalik na lang sa pamilya ang mga natitira pang rebelde para maisalba pa ang kanilang buhay.