Agot Isidro, ipinanawagan na laanan ng pondo ang ibang sports at ‘di lang basketball

Agot Isidro, ipinanawagan na laanan ng pondo ang ibang sports at ‘di lang basketball

IMINUMUNGKAHI ng actress-singer na si Agot Isidro na bawasan na ang pondo para sa basketball at mainam na ilaan na ito sa gymnastics, boxing, at weightlifting.

Sa kaniyang social media post, ipinaliwanag niyang mas pinaglalaanan ng pondo ang basketball ngayon na kung iisipin ay mga atleta mula sa gymnastics, boxing at weightlifting ang malakas sa Olympics.

Sa comment section naman ay may nagsabing mainam na walang babawasan ng pondo at gawing pantay na lang ang funding sa lahat ng sports.

May iba rin na nagsasabi na naiintindihan nila ang punto ng actress-singer lalo na’t mukhang walang pag-asa ang basketball sa Olympics.

Sa nagpapatuloy na Paris Olympics, nanalo si Carlos Yulo ng dalawang gold medals.

Kung matatandaan din, ang weightlifter na si Hidilyn Diaz ay nanalo ng kauna-unahang Olympic gold medal para sa Pilipinas sa Tokyo taong 2021.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble