SUSI para sa pagpa-follow up ng foreign investment pledges ng iba’t ibang bansa ang Department of Trade and Industry (DTI).
Subalit para kay Dr. Michael Batu sa panayam ng SMNI News, maganda kung may hiwalay na ahensiya na tututok lang dito.
Maliban sa pagpa-follow up ng investments ay magandang magkaroon din ng economic reforms ang bansa.
Samantala, sa datos ng mga nagdaang panahon, sinabi ni Batu na nasa 8 – 27% lang ang realization rate ng investment pledges ng Estados Unidos.
Aniya, makikitang may halong pasikat ang mga pangako ng U.S. kaya dapat tingnan ng pamahalaan kung anong mga investment ang importante para sa bansa.