Ilang vape shops sa Valenzuela City, kinandado ng DTI

Ilang vape shops sa Valenzuela City, kinandado ng DTI

NAGSAGAWA ng surprise inspection ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang vape shops sa Valenzuela City.

Ito ay upang suriin ang compliance ng mga ito sa Republic Act 11900 o mas kilala bilang Vape Law.

Sa inisyal na pag-iikot ng DTI katuwang ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ay 2 shops ang kinandado at ipinasara.

Habang pinagkukumpiska ang ilang ibinebentang vape na may mga animation at makukulay ang packaging.

Gayundin ang mga flavor description na gaya ng strawberry, turon, cheesecake, honey butter na kaakit-akit sa mga menor de edad.

Nadiskubre ng DTI na unregulated ang vape shop at wala ring business permit habang ang iba ay nasa likod lamang ng isang paaralan na malinaw na pambibiktima sa mga estudyante.

Hindi rin exempted ang mga manufacturer at maging ang mga online sellers na nagbebenta ng mga ilegal na vape products.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter