ISINAILALIM ngayon sa quarantine ang actress-politician na si Aiko Melendez matapos magpositibo sa COVID-19.
Kinumpirma mismo ng aktres ang pagkahawa sa impeksiyon sa kaniyang Instagram post.
Humingi rin si Aiko ng paumanhin sa kaniyang mga constituent sa District 5 ng Quezon City dahil hindi makadadalo sa mga imbitasyon at ilang aktibidad ng lungsod sa susunod na mga araw.
Si Aiko ay konsehal sa District 5 sa Quezon City.
Pinaaalalahanan din ni Aiko ang lahat na patuloy na maging maingat dahil hindi pa nawawala ang COVID-19 virus.