MASASAMPAHAN ang Hollywood actor na si Alec Baldwin ng involuntary manslaughter dahil sa aksidente nitong pagkakabaril sa cinematographer sa set ng pelikulang “Rust” ayon sa isang prosecutor.
Inanunsyo ni New Mexico First Judicial District Attorney Mary Carmack-Alttwies, sasampahan din ng kaso ang armorer ng pelikula na responsible sa armas na pinaputok na pumatay kay Halyna Hutchins.
Matatandaan na hawak ni Baldwin ang Colt. 45 na baril sa rehearsals para sa pelikula nang aksidente itong mapaputok ng aktor na naging dahilan ng pagkamatay ni Hutchins at pagkasugat ng director na si Joel Souza noong nakaraang taon.
Iginiit ng aktor na sinabi sa kanya ng film crews na walang bala ang baril.
Kung mahahatulang guilty sila Baldwin at armorer, maaari itong makulong ng hanggang 18 buwan at 5,000 dollars na multa.