Alert status ng Bulkang Taal, itinaas na sa Alert Level 2

MULA sa Alert Level 1 (low level of unrest), itinaas na ng PHIVOLCS sa Alert Level 2 o increasing unrest ang alert status sa Bulkang Taal ngayong Martes, Marso 9.

Ibig sabihin, posibleng may magmatic activity doon na pinangangambahang magdudulot ng pag-alboroto ng bulkan.

Sa Alert Level 2 ng Bulkang Taal, sinabi ng PHIVOLCS na hindi pa inirerekomenda ang paglilikas sa mga residente.

Gayunman, pinapaalalahanan ang publiko na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island na isang Permanent Danger Zone (PDZ) lalo na si binisidad ng main crater at ang Daang Kastila fissure.

Simula Enero 13, sinabi ng PHIVOLCS na nagpakita ang Bulkang Taal ng increased unrest base sa volcanic earthquakes, pagbabago sa main crater lake (MCL), ground deformation at microgravity changes.

SMNI NEWS