PASOK na sa kasaysayan si Pinay tennis star Alex Eala matapos makapasok sa main draw ng French Open, ang kauna-unahan niyang pagsabak sa isang Grand Slam main draw.
Makakaharap ni Eala si Emiliana Arango [Emilyana Aranggo] ng Colombia sa Linggo, Mayo 25, sa unang round.
Matatandaang natalo si Eala kay Arango noong Miami Open qualifiers noong nakaraang taon, pero ngayong taon ay ibang-iba na ang laban—lalo’t galing si Eala sa malakas na performance sa 2024 Miami Open.
Umakyat na rin siya sa career-high World No. 69, habang si Arango ay nasa World No. 88. Kapag nanalo si Eala, makakaharap niya sa ikalawang round sina Anastasia Pavlyuchenkova [Anasteysia Pavluchenkova] o Zheng Qinwen [Jheng Chinwen].
Makakasama rin sa torneo ang top-ranked players tulad nina Aryna Sabalenka [Ah-reena Sabalengka] na nasa number 1, Coco Gauff sa number 2, at Jessica Pegula sa number 3.