Amerika nagpaabot ng pakikiramay sa Pilipinas matapos bumagsak ang C-130 Military plane sa Sulu

Amerika nagpaabot ng pakikiramay sa Pilipinas matapos bumagsak ang C-130 Military plane sa Sulu

NAGPAABOT ng pakikiramay ang bansang Amerika sa Pilipinas matapos bumagsak ang C-130 Military plane kahapon sa Patikul Sulu.

Sa isang pahayag, sinabi ni National Security Advisor Jake Sullivan na ikinalulungkot nila ang pangyayari na ikinamatay ng 47 na sundalo at tatlong sibilyan.

Ayon kay Sullivan nakahanda ang Estados Unidos na magbigay ng suporta na maaaring kailanganin ng bansa sa pagtugon sa sakuna.

Samantala sinabi ni Chargé D’affaires John Law na magpapadala ang US Embassy ng medical aid para sa mga survivors sa naturang insidente.

Palasyo nag-alay ng “Moment of Silence” sa mga nasawing sundalo ng bumagsak ng C-130 sa Sulu

Nag-alay ng “Moment of Silence” ang Palasyo ng Malacañang para sa mga sundalo na nasawi sa bumagsak na C-130 sa Sulu.

Bukod pa rito, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpaabot din ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo.

Aniya, nakikiramay ang buong bansa sa pagkamatay ng mga magigiting na sundalo.

SMNI NEWS