Arnie Teves, nagsalita na hinggil sa mga kasong isinampa laban sa kaniya

Arnie Teves, nagsalita na hinggil sa mga kasong isinampa laban sa kaniya

NAGSALITA na si suspended Cong. Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. kaugnay sa mga patung-patong na kaso na isinampa laban sa kaniya.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay Cong. Teves, Huwebes ng umaga, iginiit nito na walang basehan ang mga reklamong inihain laban sa kaniya.

Suspended Cong. Arnie Teves, muling nanindigang hindi uuwi sa Pilipinas

Muli ring nanindigan ang mambabatas na hindi uuwi sa Pilipinas.

Kaugnay naman sa plano ng ethics committee sa Kamara hinggil sa pagpapataw ng mas mabigat na parusa laban sa kongresista dahil sa pagmamatigas nitong umuwi sa bansa, ito naman ang naging sagot ni Teves.

May panawagan din si Teves sa Senado kaugnay sa isinagawang pagdinig hinggil sa mga isyu ng pamamaslang sa Negros Oriental.

Tinukoy naman ng kongresista na isang political persecution ang ginagawa sa kaniya ngayon.

Nitong Miyerkules, Mayo 17, sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) si Teves kaugnay sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa 9 na iba pa noong Marso 4, 2023.

Kasong multiple murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder ang isinampa laban sa kaniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter