KAUNA-unahang Philippine Basketball Association (PBA) Press Corps Player of the Week ngayong Season 48 si Arvin Tolentino ng North Port Batang Pier.
Sanhi rito ang impressive performance ni Tolentino sa unang linggo ng season kung saan nakapagtala siya ng average 25.5 points.
Ito rin ang nanguna sa naging pinaka-latest na panalo ng North Port laban sa Rain or Shine sa iskor na 113-103 noong Linggo, Nobyembre 12.
Sa ngayon, kahit pa nasa dulo ng rankings ang North Port noong Season 47 ay nangunguna na itong ngayong Season 48 kasama ang Magnolia Hotshots at Meralco Bolts.