Atty. Roque, ‘di naniniwalang mababa ang IQ ng mga Pilipino

Atty. Roque, ‘di naniniwalang mababa ang IQ ng mga Pilipino

HINDI naniniwala si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque na mababa ang intelligence quotient (IQ) ng mga Pilipino.

Ito ang binigyang-diin ni Roque sa kaniyang programa sa SMNI News.

Matatandaan na batay sa pinakahuling inilabas na report ng World Population Review, mula sa 199 na bansa ay nasa ika-111 na puwesto ang Pilipinas na may average IQ score na 81.64 na itinuturing na ‘below average’.

Giit naman ni Roque, hindi makatotohanan ang naturang report dahil mismong ang mga Pilipino ang ‘best export’ ng bansa sa mundo.

Kaugnay nito, sinabi ni Roque na hindi dapat mabahala ang mga Pilipino dito dahil kung totoo aniya ito, wala na sanang kukuha sa mga Pinoy para magtrabaho sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter