HUWAG magpasilaw sa kakaunting salapi o malaking salapi kapalit ng ating mga pirma.
Ito ang bahagi sa mensahe ni Atty. Vic Rodriguez, dating Executive Secretary ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa isinasagawang leadership forum na pinangunahan ng mga supporter ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa lungsod ng Davao ngayong araw, Enero 28, 2024.
Aniya, napakahirap tumahimik at manahimik sapagka’t ang nilalapastangan ay ang Saligang Batas.
Dagdag pa ni Rodriguez, ang nilalapastangan ay hindi lamang ang kinabukasan.
Higit pa riyan aniya ang kinabukasan ng ating mga anak at ng mga susunod pang salinlahi.