BINURA ng gobyerno ng Australia ang mga utang ng humigit kumulang sa 200-K Australians na naapektuhan ng kontrobersyal na payment scheme na kasalukuyang iniimbestigahan sa bansa.
Ang Robodebt scheme ay isang automated debt assessment at recovery system na inilunsad ng services ng Australia taong 2016.
Naging subject ito ng mga kritisismo matapos libu-libong Australian ang naiulat na may utang kahit wala itong kinuhang pera at mayroon ring mga indibidwal na lumaki ang utang kumpara sa totoo nilang utang.
Mayo 2020 nang i-anunsyo ng gobyerno ni Prime Minister Scott Morrison na tatanggalin nito ang kontrobersyal na recovery scheme at magbabayad ng utang ng aabot sa 470-K indibidwal na tinatayang nagkakahalaga ng 721-M Australian dollars.
Ang Robodebt ay naging paksa ng imbestigasyon ng Commonwealth Ombudsman, ilang legal challenge maging dalawang Senate inquiries.
Buwan ng Agosto ngayong taon ay nagtatag naman ng Royal Commission ang gobyerno ni Prime Minister Albanese upang imbestigahan ang Robodebt scheme.
Matapos ang ilang buwang imbestigasyon, inanunsyo ng gobyerno na opisyal na nitong binura ang utang ng aabot sa 197-K Australians na apektado ng kontrobersyal na sistema.
Noong nakaraang taon, inilabas ng Federal court na ang system ay hindi naayos sa batas at inaprubahan ang higit isang bilyong dolyar na settlement sa mga biktima.