Auto shop na may kasamang spa at coffee shop, binuksan sa Malate sa Maynila

Auto shop na may kasamang spa at coffee shop, binuksan sa Malate sa Maynila

SA panahon ngayon, mahirap nang maghanap ng isang mapagkakatiwalaan, maaasahan, at sulit na auto shop sa Metro Manila.

Pero huwag nang mag-alala dahil isang auto service center ang nagbukas kamakailan sa Malate, Maynila.

Mula sa kanilang mga eksperto hanggang sa kanilang state-of-the art na mga kagamitan, tiyak na sulit ang iyong gagastusin sa K20 Auto Care Center.

“Aside from premium and quality service kami, second is very hands-on kami sa business. So, we see to it na before namin i-release ang sasakyan very satisfied ‘yung client namin. A babalikan nila kami,” wika ni Gerlee Elhalaq, COO, K20 Auto Care Center Inc.

Iba’t ibang serbisyo ang alok ng K20 Auto Care Center gaya ng car wash, ceramic coating, detailing, painting, car scanning, undercoating, engine wash, buffing wax, at marami pang iba.

Pero bukod diyan, pwede ka ring mag-relax habang inaayos ang inyong sasakyan.

Napansin kasi ni Gerlee at ng kaniyang asawa na si Ayman na minsan ay naiinip ang kanilang mga customer habang naghihintay.

“Definitely kapag tayo ay pumupunta ng car wash, it will take around 30 minutes, 45 minutes or even an hour. So hindi ka lang nakaupo lang. So, I thought na bakit hindi ako mag-open ng wellness spa?” ani Gerlee.

“Anong pupwedeng lounge sa pwede nilang, space for them to rest? So naisip ko why not spa, may mga nails, skin care. And of course very recently lang din pinasok ko na rin ang coffee shop,” aniya.

Dito mayroong body massage, foot spa, sauna pedicure, at manicure.

Iba’t ibang drinks, pasta, at pagkaing Pinoy din ang maaaring mapagpipilian sa kanilang coffee shop.

Ikinagalak naman ng barangay ang pagbubukas ng K20 Auto Care Center na anila’y malaking tulong sa ekonomiya ng lugar.

“If we have a new business like this, it will create many local jobs. And of course it will encourage ‘yung mga walang trabaho, so nabibigyan sila ng pagkakataon na magtrabaho dito sa mga new establishment,” pahayag ni Cynthia Llorente, Brgy. Captain, Brgy. 669.

Ang K20 Auto Care Center ay mayroon ding branches sa Imus sa Cavite at Makati.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble