NILINAW ng Philippine Sports Commission (PSC) na wala silang ginamit na pondo sa bagong inilunsad na logo para sa Batang Pinoy at Philippine National Games.
Ayon sa PSC, isang in-house graphic designer ang gumawa ng bagong logos.
Ang batang Pinoy at Philippine National Games ay gaganapin sa December 17 hanggang 22, 2023.
Ang lalahok na mga atleta sa Batang Pinoy ay ang age group na 17-taong gulang pababa.
Sa Philippine National Games naman ay 18-taong gulang pataas.