Balikatan Exercise PH-Japan version, hindi pa napag-uusapan—AFP

Balikatan Exercise PH-Japan version, hindi pa napag-uusapan—AFP

NILINAW ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala pang pag-uusap ang Pilipinas at Japan kaugnay sa posibleng Balikatan Exercise na gagawin ng dalawang bansa matapos na lagdaan ng dalawa ang reciprocal access agreement.

Kasunod ng paglagda ng Pilipinas at Japan Defense Ministry sa reciprocal access agreement agad na nilinaw ng AFP na wala pa silang napag-uusapan na mga hakbang patungkol sa mga aktibidad na gagawin sa pagitan ng dalawang bansa.

Bagamat aminado ang Pilipinas na hindi nila isasara ang kanilang pintuan sa mga nakatakdang pagsasanay kasama ang Japan sa panibagong Balikatan Exercise.

Pero tila malabo pa itong mangyari hanggang hindi pa natatapos ang pagsasapinal sa kasunduan lalo pa’t dadaan pa ito sa pagpapasya ng Kongreso.

Naniniwala si AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, malaking bagay ang pagkakaroon ng matibay na ugnayan sa Japan lalo na sa mga makabagong teknolohiya at kagamitan nito na maaaring matutunan ng mga sundalong Pilipino lalo sa kasalukuyan kinakaharap ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble