SA Abril na ang kauna-unahang American at Canadian concert tour nina Bamboo at KZ Tandingan.
Ang concert ay sisimulan sa Enso Event Center sa Vancouver, Canada ngayong April 14; April 16 sa Snoqualmie Casino sa Seattle, Washington; April 22 sa Fantasy Springs Resort and Casino sa Palm Springs, California.
April 23 naman sa Hard Rock Live sa Sacramento, California at April 28 sa Jefebet Event Center sa Las Vegas, Nevada.
Ibinahagi na rin ni Bamboo na wala silang kasamang musical director sa tour at tanging ka-banda lang ni Bamboo ang isasama nila.