Banta ng monkeypox, hindi nakaaalarma sa airline company

Banta ng monkeypox, hindi nakaaalarma sa airline company

PINAWI ng AirAsia Philippines ang pangamba ng mga pasahero na nagbibiyahe papasok at palabas ng bansa hinggil sa nagpapatuloy na banta ng monkeypox.

Sa isang eksklusibong panayam, inihayag ni AirAsia PH Spokesperson Steve Dailisan sa SMNI na patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa data mula sa Department of Health (DOH).

Pagtitiyak ni Dailisan sa usapin naman ng monkeypox hindi sila nababahala dahil sa cultural safety na tinatawag at contactless na pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng AirAsia Super app.

Bukod pa rito pagmamalaki rin ni Dailisan sa katunayan ang AirAsia ang isa sa sampung airlines company sa buong mundo ang pinarangalan ng airlinesrating.com bilang ligtas na airline laban sa COVID -19.

Ito’y dahil sa mahigpit nilang sinusunod ang procedure kaugnay sa kaligtasan ng pagbibiyahe.

Naniniwala rin sila aniya sa multi layered approach to safety na patuloy nilang sinusunod.

Paalala lang ng naturang airline, sa halip na mabahala ang mga pasahero sa monkeypox isabuhay na lang ang cultural safety.

Gayunpaman, sa kabila ng mainit na usapin hinggil sa monkeypox ay tinitiyak pa rin ni Dailisan na wala pa rin nagbago  sa mga alituntunin ng pagbibiyahe abroad.

Sa huling tala ayon sa DOH, nanatili pa rin isa ang kaso ng monkeypox sa bansa habang hindi pa rin nakikitaan ng sintomas ng sakit ang mga naging closed contacts nito.

Sinisigurado rin ng AirAsia na ang kanilang mga inaalok na pasahe sa mga pasahero ay hindi nakakaapekto sa usapin ng monkeypox at nananatiling abot-kaya ang halaga.

Mahalaga pa rin malaman ng mga pasahero sa kanilang pupuntahang bansa ang mga travel requirements bago bumili ng tickets.

Follow SMNI News on Twitter