ISASAPUBLIKO na sa Agosto 8, 2024 ang bantayog ni basketball legend Kobe Bryant at ng anak nitong si Gigi sa labas ng Crypto.com Arena ng Los Angeles, California, USA.
Ang “unveiling” ng bantayog ay itataon sa jersey numbers ni Kobe na 8 at 24.
Bilang pagkilala na rin ito sa pagiging legend ni Bryant sa larangan ng basketball.
Matatandaang Enero 2020 nang nasawi si Kobe Bryant at anak nitong si Gigi kasama ang anim pang mga kaibigan sa isang helicopter crash.
Nauna namang nagkaroon ng bantayog si Kobe at ang kaniyang anak noong 2022 sa Calabasas, California kung saan malapit nangyari ang helicopter crash subalit hindi ito ikinokonsidera na maging permanent doon.
Samantala, maliban sa magiging bantayog ni Kobe sa Crypto.com Arena ay mayroon na ring mga bantayog ang ibang Lakers players doon gaya nina Kareem Abdul-Jabbar, Shaquille O’Neal, Elgin Baylor, Magic Johnson, at Jerry West.