Basura sa coastal area ng Purok Paraiso Sibucao, Brgy. Banago sa Bacolod City, isang dekada nang problema

Basura sa coastal area ng Purok Paraiso Sibucao, Brgy. Banago sa Bacolod City, isang dekada nang problema

KASABAY ng paglunsad ng Nationwide Cleanliness Drive na inisyatibo ni Pastor Apollo C.  Quiboloy, ay nakiisa rin ang mga volunteers sa Bacolod City sa Purok Paraiso Sibucao, Brgy. Banago.

Makikita sa Purok Paraiso Sibucao, Brgy. Banago sa Bacolod City ang tambak ang mga basura sa paligid ng mga kabahayan habang nakalutang sa tubig.

Ayon sa mga opisyal ng Brgy. Banago, taong 2014 pa nilang suliranin ang problema sa basura sa dalampasigan.

Bukod kasi sa mga basurang nanggagaling sa mga kabahayang nakapaligid rito ay inaanod rin dito ang iba pang basura mula sa ibang lugar sa lungsod tuwing may sama ng panahon o pag-ulan.

Nationwide Cleanliness Drive ni Pastor Apollo C. Quiboloy, isang malaking halimbawa para sa bagong henerasyon─volunteers

Kaya naman isang malaking tulong para sa kanila ang ikinasang cleanliness drive sa kanilang lugar na bahagi naman na “Kalinisan: Tatag ng Bayan” program ng Sonshine Philippines Movement (SPM) sa ilalim ng inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Nagpapasalamat ako kay Pastor Quiboloy sa pagbigay niya ng opportunity na makapunta dito ang lahat ng miyembro ng Coast Guard at miyembro ni Pastor Quiboloy na makatulong sa amin sa paglilinis at mapaganda ang aming purok. Malaki talaga ang legacy na ibinigay niya sa amin. Humihingi ako ng tulong sa mga nakatira rito sa Sitio Sibucao sa tatlong purok. Purok Paraiso, Purok Rosas Pandan at Purok Kalingawan na sana makilahok sa ating proyekto na maglinis dahil tinulungan na tayo ni Pastor Quiboloy na mapaganda ang ating sitio.”

“Malaki ang binigay sa atin na opportunity at naway tayong lahat na nakatira dito sa Sitio Sibucao, ay balutin na mag basura ilagay sa sako ang mabubulok at ang plastic ilagay rin sa ibang lalagyan upang hindi na tayo mapagsabihan na ang mukha natin dito ay puro basura. Kung wala si Pastor hindi naging maganda ang ating paligid dito sa dalampasigan. Napakaganda na ngayon dahil nalinisan na, malaki talaga ang naitulong ni Pastor Quiboloy,” ayon kay Edna Sanchez Purok Chairman of Purok Sibuacao.

Humigit-kumulang sa 100 sako at garbage bag ang nakuhang mga basura ng mga volunteers kabilang na sa mga nakuhang basura ay ang plastic bottles, mga damit, plastic ng mga junk foods, pampers, at iba pa.

Sa kabila ng init ng panahon at hindi kaaya-ayang amo’y—hindi ito hadlang sa mga volunteer na linisin at gawing kaaya-aya muli ang dating dalampasigang pinaglalaruan ng mga batang naninirahan dito.

Ayon din kay Farah Grace Antones Keepers Club representative itong adhikain ni Pastor ay napakalaking halimbawa lalo na sa mga bagong henerasyon.

Samantala para naman kay Larah Tagupa itong inisyatibo ni Pastor Apollo ay naglalayong hikayatin ang bawat isa na magtulungan lalo na pagdating sa pagpapa-unlad ng ating bansa,” wika ni Farah Grace Antones, Keepers Club.

Pagdating sa kalinisan at pangagalaga ng kalikasan ay talagang nangunguna dyan si pastor apollo c. Quiboloy. Tanunay nga dito ang kaniyang nagawa sa Glory Mountain ng Kingdom of Jesus Christ sa Brgy. Tamayong, Davao City.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter