PIRMADO na ng Department of Justice (DOJ) at ng Department of Social Welfare & Development (DSWD) ang implementing rules and regulations ng R.A. 11930 o ang batas na magbibigay proteksyon laban sa mga pang-aabuso sa kabataan sa internet.
Kaugnay nito’y umaasa si Justice of Secretary (SOJ) Crispin Remulla na makikiisa ang lahat para masigurong ligtas ang internet sa mga kabataan.
Tiniyak naman ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na gagawin ng kanilang ahensiya ang lahat ng kinakailangang hakbang para maipatupad ang rules and regulation ng batas.
Ang ‘Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children’ ay isang proyekto ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. administrasyon kung saan magtutulong- tulong ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para masugpo ang mga gumagamit ng bata para sa kanilang sexual activities sa internet.