HINDI inaasahan ng mga nasalanta ng Bagyong Paeng sa parte ng Aklan at Capiz sa Visayas Island sa dami ng relief goods na ipinamahagi ng SMNI Foundation at People’s Republic of China na lubos namang ikinagalak ng mga ito.
Hapon palang ng Nobyembre 8 ay nakahanda na ang mga ipamimigay na tulong ng SMNI Foundation Incorporated mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy katuwang ang People’s Republic of China sa pamamagitan ni Ambassador Huang Xilian.
Libu-libong sako ng bigas, tubig, food packs at balde na punong-puno ng iba’t ibang can goods, noodles, condiments, kape at iba pang-uri ng pagkain ang inihanda upang magbigay-sigla at lakas na harapin ang mga susunod na hamon ng buhay ng mga naapektuhan ng bagyo.
Dahil sa lugar na isang kayod isang tuka ay napakalaking tulong ang kanilang natanggap na relief goods kung saan hanggang ngayon ay di pa rin tuluyang nakabawi ang maraming mga kabababayan natin lalo na sa Barangay Talasa, Panay, Capiz na isa sa tumanggap ng hagupit ng Bagyong Paeng.
Ngayong araw, muling nagbigay saya ang SMNI Foundation at People’s Republic of China sa ating mga kababayan, hindi lamang sa Luzon at Mindanao bagkus sa Visayas din.
Libu-libong benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong sa parte ng Aklan at Capiz sa Visayas Island.