OPISYAL nang pinasara ng Makati City LGU ang Berjaya Hotel dahil sa nakitang paglabag nito sa quarantine guidelines.
Pinangungunahan ng Business Processing and Licensing Office ng Makati City LGU ang pagpapasara sa Berjaya Hotel Makati.
Ito’y matapos suspendihin ng Department of Tourism ang akreditasyon ng Hotel bilang Quarantine at iba pang multi-use nito.
Ayon sa DOT, nilabag ng hotel ang quarantine procedure para sa mga returning OFW’s matapos na makatakas si Gwenyth Chua, isang balikbayan mula sa Amerika.
Sikat si Chua bilang “Poblacion Girl”, matapos diumano itong makipagparty nitong pasko habang hindi pa ito tapos sa kanyang mandatory quarantine.
Samantala, ayon sa ilang empleyado ng Hotel, sa kanilang mga bahay na muna sila mamamalagi habang naghihintay ng malilipatang trabaho pagkatapos pumutok ang kontrobersiya ng absentee quarantine nitong nakaraang taon.