MAGBIBIGAY ang American singer-songwriter at businesswoman na si Beyoncé ng donasyon para sa mga naapektuhan ng wildfires sa Los Angeles, California, USA.
Sa anunsiyo ng kaniyang BeyGOOD Foundation, nasa 2.5 million dollars ang kaniyang ibibigay.
Sa katunayan, isa ang pamilya ni Beyoncé sa naapektuhan ng nagpapatuloy na wildfires.
Partikular na natupok ang bungalow ng kaniyang ina sa Malibu.
Enero 7, 2025 nang mag-umpisa ang wildfires sa Los Angeles.