Big-time oil price rollback, ipatutupad sa Martes

Big-time oil price rollback, ipatutupad sa Martes

MAGPATUTUPAD bukas, araw ng Martes, Mayo 9, ng halos P3 rollback sa ilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, Sea Oil at Caltex, bababa ng P2.20 ang presyo sa kanilang gasoline habang P2.70 sa diesel.

May rollback din na P2.55 ang kada litro ng kerosene.

May kapareho ring price adjustment ang Petrogazz at Sea Oil.

Magiging epektibo ang rollback bukas sa alas-sais ng umaga maliban sa Clean Fuel at Caltex na epektibo bukas ng madaling araw.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter