Bilang ng mga depektibong balota para sa May elections, umabot na sa higit 370,000

Bilang ng mga depektibong balota para sa May elections, umabot na sa higit 370,000

UMABOT na sa kabuuang 372,878 na mga depektibong balota para sa May 2022 elections ang nadiskubre.

Batay ito sa ulat ni COMELEC Commissioner George Erwin Garcia.

Sinabi ni Garcia na 0.58 percent lamang ito ng 64,442,616 total ballots na inimprenta para sa May 9 national and local elections.

Una nang sinabi ng COMELEC na susunugin ang mga depektibong balota sa harap ng mga kandidato, political parties o kanilang mga kinatawan.

BASAHIN: Hindi pagbayad ng COMELEC ng P90-M sa SmartMatic, pinaburan ng ilang senador

Follow SMNI NEWS in Twitter