Bilang ng mga sasakyan sa Metro Manila kada araw, inaasahang tataas ng 10% – 20% ngayong holiday season –MMDA

Bilang ng mga sasakyan sa Metro Manila kada araw, inaasahang tataas ng 10% – 20% ngayong holiday season –MMDA

INAASAHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tataas ng 10% hanggang 20% ang bilang ng mga sasakyan sa Metro Manila kada araw ngayong holiday season.

Ito ang inihayag ni MMDA spokesperson Atty. Melissa Carunungan sa Laging Handa public briefing.

Ayon kay Carunungan, batay sa Traffic Engineering Center ng MMDA, umabot sa 398,000 na mga sasakyan ang dumadaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila kada araw hanggang nitong Nobyembre 10, 2022.

Dahil dito, sinabi ng MMDA official na nagdeploy na sila ng 800 hanggang 1,000 traffic enforcers.

Nakadepende naman aniya sa tindi ng trapiko sa isang lugar ang dami ng itatalagang traffic enforcers.

Follow SMNI News on Twitter