UMAKYAT na sa 55 ang naitalang nasawi sa nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro noong nakaraang linggo.
Ayon ito sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Maco.
Patuloy naman ang isinagawang search, rescue and retrieval operations ng pinagsanib na puwersa ng mga rescuer at residente sa lugar para sa 62 pang nawawala.
Samantala, nananatiling nasa 32 ang sugatan sa insidente.
Nangyari ang landslide matapos na matabunan ng lupa ang dalawang bus na lulan ang mga minero, empleyado ng APEX Mining sa bahagi ng Brgy. Masara.