SUMAILALIM sa stress debriefing ang mga batang pansamantalang nakatira sa Nuevo Iloco Elementary School na naapektuhan ng landslide sa Maco, Davao de Oro ayon kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni VP Duterte na pinangunahan ng mga guro ng nasabing paaralan ang stress debriefing.
Nasaksihan aniya ang mga ginagawa nilang mga aktibidad katulad ng kantahan at paligsahan upang makatulong na makapagbigay ng kasiyahan sa mga batang nakaranas sa nangyaring trahedya.
Binisita ni VP Duterte ang mga pamilyang biktima ng landslide upang sila ay kamustahin at makita ang kanilang kalagayan.