Binondo-Intramuros Bridge, bubuksan na sa Holy Week

Binondo-Intramuros Bridge, bubuksan na sa Holy Week

BUBUKSAN na sa Holy Week ang Binondo-Intramuros Bridge sa Maynila ayon sa Department of Public Works and Highway (DPWH).

Halos nasa 90 porsiyento nang tapos ang nasabing proyekto kaya inaasahang matatapos ito bago ang Holy Week ngayong taon.

Sinabi ni DPWH Undersecretary at Build, Build, Build chief implementer Emil K. Sadain, nakumpleto na ang dalawang lanes sa bawat direksyon ng 680 metro na tulay.

Ito’y matapos binisita ni Sadain at iba pang opisyal para suriin ang tulay mula Intramuros hanggang Binondo upang tiyakin ang pagkagawa nito na ayon sa inilatag sa kontrata.

Kabilang lumahok sa isinagawang inspeksyon sina Unified Project Management Office (UPMO) Project Directors Benjamin A. Bautista, Sharif Madsmo H. Hasim, Ramon A. Arriola III, Rodrigo delos Reyes, at Johnson Domingo; at Project Manager Melchor Kabiling.

“You can walk over the bridge, but still closed with ongoing construction of ramps on Binondo and Intramuros side,” pahayag ni Sadain.

Kasaluluyan nang tinatayo ang ramps na gawa ng prefabricated components mula sa Shanghai, China sa bahagi ng Binondo na may up-ramp sa Muelle dela Industria Street at down-ramps sa Rentas Street at Plaza del Conde Street.

Kasabay rin ang pagtayo ng ramps sa bahagi ng Intramuros na may up-ramp sa Riverside Drive at down-ramp sa Solana Street.

Ang nasabing proyekto ay pinopondohan ng China sa pamamagitan ng government aid grant sa halagang P3.39 bilyon.

“We are grateful to the men and women who worked so hard to build this bridge and thank the government of China and its contractor China Road and Bridge Corporation for their commitment to this project,” ani Sadain.

Isa sa flagship project ng DPWH ang Binondo-Intramuros Bridge sa ilalim ng BBB Program ng Duterte Administration.

Follow SMNI News on Twitter