Binubuong programa ng DepEd na ‘National Culture for Peace’ sesentro sa ‘peace-building’ para sa mga bata

Binubuong programa ng DepEd na ‘National Culture for Peace’ sesentro sa ‘peace-building’ para sa mga bata

LAYON ng Department of Education na maging ‘peace-builder’ ang mga bata sa pamamagitan ng binubuo nitong programa na ‘National Culture for Peace’.

Tampok sa programang SMNI Exclusive kasama ni Pastor Apollo C. Quiboloy, si Vice President at Education Secretary Inday Sara Duterte, nitong Huwebes Disyembre 1.

Sa panayam nito, ibinahagi ni VP Duterte na alkalde pa lamang ng Davao City ay nasaksihan na niya kung paano masira ang kinabukasan ng mga kabataan dahil sa pagre-recruit ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army – National Democratic Frond (CPP-NPA-NDF).

‘’Nakita ko kasi talaga ‘yung mga nasisira na buhay ng mga kabataan kapag hindi nila natatapos ‘yung pag-aaral nila, sumasama sila sa NPA. Noong first term ko as Mayor, mayroon tayong isang parent dito sa Davao City, lumapit siya sa akin, sabi niya, “Inday Sara, ‘yung aking anak nag-aral sa University of the Philippines Diliman and I can’t seem to find her right now,” ayon kay VP Sara.

‘’So, sabi ko, “Ano ang matulong namin sa’yo ma’am?” Tapos sabi niya, “Kung pwede siya matulungan na hanapin ‘yung anak niya.” And hindi talaga siya namin… para siyang she disappeared from the face of the earth, walang traces, wala lahat. Para siyang nawala na parang bula ‘yung anak niya,’’ saad nito.

‘’And then the next time around na we were able to talk, nalaman ko na lang na nahanap siya ng mama niya sa kulungan doon sa Batangas. So here is a mother na pinadala ‘yung anak niya sa UP Diliman para mag-aral, nawala ‘yung anak niya, the next time na nahanap niya ‘yung anak niya, murder ang kaso, nakakulong sa isang kulungan sa Batangas,’’ ani VP Sara.

‘’So, that is an example of paano nasisira ang buhay ng ating kabataan and that is an example na mayroon akong personal knowledge dahil kausap ko talaga ‘yung nanay,’’ paliwanag nito.

Sa katunayan, ayon kay VP Inday Sara, karamihan sa mga nare-recruit ay mga estudyanteng magtatapos sana na may Latin honors, o kaya nama’y dalawa o isang taon na lamang ay magtatapos na sana sa kolehiyo.

Kaawa-awa ani Duterte ang mga kabataan na nasira ang kinabukasan lalo na ang mga magulang nito.

‘’In fact, ‘yung mga makita ninyo na kasamahan natin ngayon, mga returnees, many of them vying for Magna Cum Laude, vying for honors, third year college na or ang iba sa kanila 4th year college na. Konti, ilang steps na lang they would have been accomplished, college graduates na. And then suddenly, because of recruitment and mali na impluwensiya, parang natigil ‘yung buhay nila, umakyat sila sa bundok, hindi nila naisip na ilang years na sila na nag-sige’g latas-latas anang kabukiran and then really wala man din sila talaga na-contribute para sa ating bansa,’’ ayon kay VP Sara.

Kaya naman bumubuo na ngayon ang DepEd ng programang ‘National Culture for Peace’ na tututok kung paano maging ‘peace-builder’ ang isang bata, mula sa kindergarten hanggang grade 12.

‘’Right now as a Secretary of the Department of Education, mayroon kaming dine-develop as I said ‘yung program kanina with Pastor Quiboloy, our working title right now for this one is the National Culture for Peace. So, dito, gusto namin na masali sa ating basic education ang pagtuturo kung paano maging peace-builder ang isang bata, from kindergarten to grade 12. So that when they leave basic education, they are our advocates for peace doon sa ating communities,’’ dagdag nito.

Ani VP Duterte, layunin nito na mamulat ang kabataan sa panlilinlang ng CPP-NPA at maging kaagapay sa pagsusulong ng kapayapaan sa komunidad.

Maliban dito, target naman aniya sa Higher Education na masanay ang mga kabataan para magserbisyo sa bansa sa pamamagitan ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

‘’Sa Higher Education naman, ‘yung Reserve Officers Training Corps (ROTC) na lagi nilang napag-uusapan, nagiging topic. Pagdating naman nila doon, they will be trained to serve naman our country,’’ saad nito.

Ani VP Duterte, karamihan sa mga nare-recruit ng CPP-NPA ay mga high school students na mula sa Indigenous People o IP sector.

Follow SMNI NEWS in Twitter