WALANG problema para sa Department of Health (DOH) ang isasagawang special audit ng Commission on Audit (COA) sa COVID-19 vaccine procurement deals.
Partikular na sisilipin ng COA ang mga deals na isinagawa ng pamahalaan at pharmaceutical companies noong 2020 at 2021.
Sa isang pahayag ng ahensya, sinabi pa nito na sa katunayan, sila ang mismong humiling ng naturang special audit dahil bahagi rin naman ito sa commitments na nakasaad sa loan agreements nila sa pagitan ng World Bank at Asian Development Bank (ADB).
Naunang sinabi ng COA na noong humingi sila ng mga dokumento kaugnay nito ay sinabi ni dating DOH Sec. Francisco Duque III na nakapaloob sa kontrata ng bansa at vaccine manufacturers ang non-disclosure agreements (NDAs).
Ito ang dahilan para hindi maisiwalat ang ensaktong budget na ginamit para sa pagbili ng bakuna.
Subalit sinabi ng COA na hindi sila bounded ng NDAs.