Bivalent vaccine ng bansa malapit nang maubos—DOH

Bivalent vaccine ng bansa malapit nang maubos—DOH

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na 69 porsiyento ng bivalent vaccine ay tapos nang mailapat sa priority group.

Ayon kay DOH spokesperson Eric Tayag, mula sa 390,000 dosis ay 269,000 doses na ang nailapat sa health workers, senior citizens at mga adults na may comorbidities.

Ibig sabihin aniya nito ay malapit nang maubos ang bakunang donasyon sa bansa.

Matatandaang nagsimula ang bakunahan ng bivalent sa bansa noong Hunyo 21 at inaasahang mauubos ito sa katapusan ng Agosto o sa unang mga linggo ng Setyembre.

Sinabi naman ng DOH na nasa 1.5M hanggang 2M doses ng bivalent ang inaasahan nilang matatanggap ngayong taon mula sa COVAX Facility.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble