Ipinag-utos ng Sandiganbayan Third Division sa dalawang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na personal na humarap at tumestigo sa korte tungkol sa kasalukuyang detention status ni dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez.
Kaugnay ito ng mga ulat na pinapayagan umano si Romualdez na lumabas at bumalik sa New Quezon City Jail kahit nasa detention ito dahil sa kasong P7.4-billion plunder.
Kabilang sa pinatawag ang Jail Superintendent na si Maria Lourdes Pacion at Medical Officer Henry Fabro, na inatasan ding pangalagaan ang mga CCTV footage, logbook at iba pang digital records na may kaugnayan sa detention ng mambabatas.
Sa commitment order ng korte, hindi maaaring ilipat o palayain si Romualdez mula sa detention nito sa New Quezon City Jail maliban kung may pahintulot ng Sandiganbayan.
Nauna nang sinabi ng BJMP na iniimbestigahan nito ang mga ulat, habang naglabas din ito ng video ni Romualdez na naglalakad sa loob ng pasilidad ng piitan upang patunayang nasa detention ito.
