May panibagong rollback sa produktong petrolyo simula bukas, araw ng Martes.
Ayon sa Department of Energy (DOE), mababawasan ng P2.6 centavos ang kada litro ng diesel.
Samantala, P3 naman ang ibabawas sa kada litro ng gasolina habang P1.60 centavos naman sa kerosene.
Samantala, nilinaw ng DOE na wala pang kasunduan ang Pilipinas na bibili ng 100 supply ng enerhiya mula sa Estados Unidos.
Kaugnay ito ng pahayag ni US President Donald Trump na hiniling niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-angkat ang Pilipinas ng 100% agricultural products at energy supplies mula sa Amerika.
