19 Pinoy seafarers ng lumubog na LPG tanker, uuwi na sa Pilipinas

19 Pinoy seafarers ng lumubog na LPG tanker, uuwi na sa Pilipinas

Nakatakdang bumalik sa Pilipinas araw ng Huwebes, Nobyembre 26, ang 19 Pinoy seafarers ng LPG tanker na MT Gas Husky na lumubog sa Black Sea sa baybayin ng Bulgaria.

Kasalukuyang nanunuluyan sa isang hotel sa Varna ang mga marino habang hinihintay ang kanilang pag-uwi.

Dahil naiwan sa lumubog na barko ang mahahalagang dokumento ng mga tripulante, tumulong ang Embassy sa pagproseso ng emergency travel documents, statutory compensation, at repatriation assistance.

Matatandaang noong Nobyembre 17, nagpadala ng distress signal ang Liberian-flagged vessel habang naglalayag may dalang humigit-kumulang 3,400 metrikong toneladang liquefied petroleum gas mula Egypt patungong Romania.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), pinaniniwalaang tinamaan ng drone attack ang tanker, nakalikas na ang lahat ng 19 na marino at nakasakay sa life raftbago lumubog ang barko.

Nailigtas sila sa pamamagitan ng rescue operation ng Bulgarian Air Force at dinala sa Varna, Bulgaria. Dalawa sa mga tripulante ang nagtamo ng minor injuries at dinala sa ospital para magamot.

Matapos ang insidente, agad na nagbigay ng tulong ang Migrant Workers Office o MWO-Budapest, kasama ang Philippine Embassy sa Bucharest, shipowner, at licensed manning agency.

Ayon kay Labor Attaché Marietta Dela Cruz, nasa maayos na kalagayan ang mga tripulante habang patuloy namang nagpapagaling ang dalawa nilang kasamahan.

Follow SMNI NEWS in Twitter