Agad sumabak sa ensayo si Bennie Boatwright matapos dumating sa Seremban, Malaysia, upang makasabay sa sistema ng Gilas Pilipinas bago ang November window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Nauna namang dumating noong Sabado ang karamihan sa national team, kabilang sina Kai Sotto, Dwight Ramos, Scottie Thompson, Kevin Quiambao, CJ Perez, Juan Gomez de Liaño, Chris Newsome, at Troy Rosario.
Direktang biyahe mula Japan sina Mike Phillips, AJ Edu at Quentin Millora-Brown, na sumabak din sa ensayo.
Hawak ng Gilas ang 4-4 record at nasa ikalimang puwesto sa Group E, isang panalo ang layo sa Iran at Jordan na parehong may 5-3 record.
Nakatakdang harapin ng Pilipinas ang Syria sa Nobyembre 27 bago ang Iran sa Nobyembre 29, kapwa sa Seremban, Malaysia.
