MAGIGING bagong head coach ng Blackwater Bossing si Jeff Cariaso para sa 48th season ng PBA.
Si team owner Dioceldo Sy ang nagkumpirma nito.
Pakakawalan na ng Blackwater ang kanilang interim mentor na si Ariel Vanguardia na siyang pumalit noong taong 2021 kay Nash Racela.
Si Cariaso ay nauna nang naging coach Converge FiberXers sa 2022 PBA Philippine Cup.