BOC Commissioner, iginiit na hindi sangkot sa agricultural smuggling

BOC Commissioner, iginiit na hindi sangkot sa agricultural smuggling

NANINDIGAN at iginiit ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na hindi siya sangkot sa agricultural smuggling.

Taliwas ito sa listahan o report na ibinigay umano ng  National Intelligence Coordinating Agency kay Senate President Vicente Sotto III.

Nakasaad aniya sa committee report na kasama siya bilang isa sa mga government officials na sangkot sa smuggling ng mga produktong agricultural.

Kasama rin sa nasabing report ang kanyang mga accomplishment sa BOC kaugnay sa kampanya o pagsugpo sa agricultural smuggling na siya mismo ang nag-utos.

Katunayan aniya ay pinayagan ng BOC ang mga representatives ng Department of Agriculture (DA) na makibahagi sa inspection sa mga containers para masiguro ang transparency sa pag-eksamin sa mga  agricultural products na dumarating sa mga pier.

Nauna pa sa nasabing kontrobersya ay bumili aniya ang BOC ng 200 body-worn cameras; 20 units ng fast patrol vessels; 60 advanced mobile x-ray machines; 16 trace detection systems; at 100 rifles at nagdagdag sila ng 199 na mga enforcement personnel para makatulong o makatuwang sa paglaban sa smuggling.

Follow SMNI News on Twitter