BOC-NAIA, naharang ang isang parcel na naglalaman ng mahigit 32kg. na shabu mula Zimbabwe

BOC-NAIA, naharang ang isang parcel na naglalaman ng mahigit 32kg. na shabu mula Zimbabwe

NAHARANG ng Bureau of CustomsNinoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang parcel na naglalaman ng mahigit 32kg. ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P218,484,000 sa Paircargo Warehouse, Pasay City.

Ang babaeng claimant na kinilalang si Christine Tigranes ay inaresto Miyerkules ng gabi sa naturang warehouse.

Depensa ng suspect inutusan lang daw siya ng kanyang boss para kunin ang naturang parcel mula Zimbabwe ng bansang Africa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter