NAKATAKDANG maglagay ang Cebu Pacific Air ng limang mobile lightning shelters sa NAIA Terminal 3 para sa kaligtasan ng mga pasahero at ng mga ground personnel tuwing magkakaroon ng Red Lightning Alert (RLA).
Sa kasalukuyan, nag-install na ang CEB ng tatlong mobile lightning shelters sa remote parking bay at rampa sa NAIA Terminal 3.
Inaasahan ng airline na matatapos ang pag-install ng lahat ng lightning shelter units sa pagtatapos ng Abril.