Plano ni Sen. Bong Go na maghain ng panukalang batas na magtitiyak sa kalusugan at kaligtasan ng mga atleta, partikular sa panahon ng medical emergencies sa mga sports activities.
Ito ang inihayag ng senador, na chairman ng Senate Committee on Sports, nang dumalaw sa burol ng dating PBA star na si PJ Simon kasama si James Yap.
Ayon kay Go, mahalagang magkaroon ng sapat na medical at safety measures upang maprotektahan ang mga manlalaro.
Hinimok din niya ang mga aktibo at retiradong atleta na sumailalim sa regular na medical checkup upang matiyak na kaya pa ng kanilang katawan ang mabibigat na physical activities.
Binigyang-diin ng senador na mahalagang pangalagaan ang kalusugan ng bawat atleta, lalo na habang nagkakaedad.
Samantala, nagbigay-pugay naman si James Yap sa dating teammate na si PJ Simon, na nakasama niya sa pitong kampeonato sa PBA.
