Bong Revilla nangako na paigtingin ang suporta para sa mga mahinang sector

Bong Revilla nangako na paigtingin ang suporta para sa mga mahinang sector

MULING inihayag ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. noong Biyernes ang kanyang pangako na patuloy na itulak at palakasin ang mga benepisyo sa lipunan at pantay-pantay na oportunidad para sa mga Pilipino.

Ito ay kaugnay ng kanyang mga adbokasiya at plataporma ng “Aksyon sa Tunay na Buhay – trabaho at disenteng sweldo; pagkain sa bawat hapag; at sapat na suporta sa mga nangangailangan.”

Sa kanyang talumpati sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas campaign sortie sa Bacolod City, Negros Occidental, binigyang-diin ni Bong Revilla ang kanyang dedikasyon sa “Benepisyo Para sa mga Nangangailangan” na plataporma.

Sa harap ng kanyang mga tagasuporta, pinagtibay ni Bong Revilla ang kahalagahan ng pagbibigay ng mga benepisyo sa mga Pilipino – upang matiyak na ang bawat isa, anuman ang estado sa buhay, ay may access sa de-kalidad na healthcare, edukasyon, at mga programa ng social welfare.

“Ang Bagong Pilipinas ay isang makatarungang Pilipinas – isang lipunang walang naiiwan, isang bansa kung saan lahat may pagkakataong umasenso, at lahat ng nangangailangan ay naaabutan ng tulong at benepisyo,” pahayag ni Bong Revilla.

Ipinahayag din ng senador ang kanyang mga plano na palakasin ang mga tulong ng gobyerno para sa mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs), at mga mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng pagpapalawig ng mga benepisyo sa pensyon, mas madaling access sa healthcare, at mas inklusibong mga programa ng social protection.

Nangako rin siyang ipaglalaban ang mga karapatan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at magsusulong ng mga polisiya na magpoprotekta sa mga mahihirap na komunidad laban sa pagsasamantala.

Pinagtibay ni Bong Revilla na ang kanyang pamumuno ay nakabase sa mga konkretong aksyon. “Hindi lang natin ipaglalaban ang pagpapalakas ng benepisyo, gagawin din natin itong abot-kamay ng bawat Pilipino. Dahil ang motto po paglilingkod ni Bong Revilla – Aksyon sa Tunay na Buhay,” ani Revilla.

Ipinagmamalaki rin ng mambabatas ang kanyang solidong track record sa pagsusulong ng mga polisiya at batas na direktang nakikinabang ang mga tao.

Kabilang sa mga kilalang batas na ipinanukala ni Bong Revilla ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” (RA 11997) na nagpapalakas sa P10,000 Teaching Allowance ng mga pampublikong guro; ang “Anti-No Permit, No Exam Policy Act” (RA 11984); “Free College Entrance Examination Act” (RA 12006); at “Expanded Centenarians Act” (RA 11982) na nagbibigay ng P10,000 cash benefits sa mga may edad na 80, 85, 90, at 95.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter