Buhok ni ex-US Pres. George Washington, nabenta sa halagang $4K

Buhok ni ex-US Pres. George Washington, nabenta sa halagang $4K

Nabenta sa auction sa halagang $4,000 ang isang naka-frame na hibla ng buhok ni dating US President George Washington, ang kauna-unahang pangulo ng Estados Unidos.

Ayon sa Richmond Auctions, dating pag-aari ito ni John Gadsby na nag-host ng dinner para kay Washington noong 1799, ilang sandali bago ito pumanaw.

Nakuha naman ng collector na si John K. Lattimer ang buhok mula sa isang apo ni Gadsby bago ito isinubasta.

Hindi pinangalanan ang bagong may-ari ng naturang memorabilia.

Mas mataas ang naitalang bentahan noong 2021, nang mabenta sa halos $40,000 ang tatlong hibla ng buhok na pinaniniwalaang kay Washington.

Nagsilbi si Washington bilang unang pangulo ng Estados Unidos mula 1789 hanggang 1797 at namuno sa mga puwersang Amerikano sa kanilang pakikidigma para sa kalayaan laban sa Britanya.

Follow SMNI NEWS in Twitter